Most of us may tinatawag tayong “BFF” or simply best friend or best friends and most of us nakakarelate tayo dun sa minsan humanga tayo or na in love tayo sa best friend natin. Just like any ordinary guy at saka normal na tao minsan na rin akong humanga at humantong sa pagka inlove sa sariling kong best friend. When I saw this video sabi ko ang corny naman nito ginawan ng animation yung song pero nung malapit na mag end yung song I realized na nakasmile na pala ako simply because the animation tells about my story, my own story and my best friend.

Nakilala ko yung best friend na yun nung pumasok siya sa office namin as programmer slash web designer slash naging tutor ko sa photoshop. Ang daming job description niya, kasi siya yung tipo ng tao na ayaw paawat sa trabaho. Ilang months palang at medyo napalagay na ang loob ko sa kanya, am sure medyo corny para sa ibang tao yung ilang buwan pa lang pero you are claiming na best friends na kayo but I think naging totoong tao kapag kasama ko siya. Siguro nga we’re destined to become friends. Walang araw na di kami magkasama during lunch and even during dinner. Pagkalabas ng office naghahanap pa kami ng makainan, nakikipag inuman. Most of the time McDo na lang kami tapos tig iisang quarter pounder at large na pineapple juice yung tinitira namin. Siguro kulang na lang yung words na kami na. Very supportive siya sa akin, even during may board exam andun siya para sa akin, sinamahan niya ako hanggang matapos yung exam. Siguro nga andun yung kilig factor, yung kilig much na tinatawag nila.

There was a time na nagkasakit siya at since wala naman siyang ibang kamag anak, ako yung tumayong caregiver niya. Masaya ako kasi nga kahit sa maliit na bagay na nagawa ko, I know na masaya rin siya sa pinaggagawa ko. Pero alam mo yung tipong may konting pagnanasa ka sa kanya habang inaalagaan mo siya!? Alam ko mali yun, best friend ko yun eh kaso lang minsan di napipigilan ang damdamin. Patuloy pa rin ang buhay hanggang sa may bago kaming empleyado na kakapasok lang sa office namin…yun na yung simula ng paghihinagpis ko!

Naging close sila ng ga bagong empleyado, dun na siya sumasama sa kanila, minsan di na kami sabay kumain, minsan na lang siya nagtetext, nawala na yung friendly date every sunday, yung lumalabas kami every sunday para magsimba, tapos manood ng sine tapos kain lang sa labas, yung time na kami lang. Ngayon may kahati na ako sa oras niya…di naman siya totally nawala sa akin pero yun lang may bawas na yung oras ng pag sasama namin. Ang hirap ng ganun sitwasyon kasi nakikita ko na masaya siya na kasama niya yung bago naming empleyado…sino ba naman ako para pagbawalan siya eh kaibigan lang ako!? Haaays buhay nga naman…masakit pero kailangan ko tanggapin na magkaibigan lang kami at dun ko naitanong sa sarili ko kung sino ba siya para sa akin at ano ang papel niya sa buhay ko and I realized that I am falling with my best friend, to a best friend na di nag iisip ng kakaiba para sa akin. Oo na nasaktan na ako…umiiyak…naging OA ako…umiinom ng sobra kahit di naman ako umiinom…nag yoyosi kahit di marunong…super feeler ang peg. Ganun nga siguro nakakabaliw pag na inlove ka sad to say dun pa sa taong tinuring mo na best friend na mas masaya pag kasama niya yung iba, I mean yung kasamahan namin sa office!

One day, paglabas namin sa office tinawag niya ako…sabi niya “Uy kain naman tayo…namimiss na kita ah, ang tagal mo na di nagpaparamdam ah, galit ka ba!?” Ang sarap sampalin ng pagmumukha niya…until now di pa rin pala niya nararamdaman na mahal ko siya, na sobra ko siyang namiss, na halos araw araw akong naghihintay sa kanya. I can’t explain dun sa nararamdaman ko that time…in short waley talaga. Ako naman itong martyr lang ang peg hala ayun sinamahan ko siya, kumain kami sa labas, nagkwentuhan at nag uusap tungkol sa mga palno niya sa buhay. At dun sinabi niya na aalis na daw siya, pupunta siya ng abroad para sundan yung tunay niyang minamahal dahil nasaktan daw siya ng sobra dun sa kasamahan namin sa office! Gumuho ang mundo ko kasi umiiyak ako sa taong umiiyak sa ibang tao…fair ba yun!? Nasaktan daw siya ng sobra kaya aalis na lang siya. Kung alam niya lang na sobrang sakit ng nararamdaman ko, feeling ko di na gumagalaw yung puso ko…di ko na nararamdaman yung mga kamay ta paa ko, feeling ko naghihiwalay na ang buo kong katawan. Ganun pala ang feeling nuh!? Bat ba kasi sumama pa ako sa kanya tapos yun lang ang maririnig ko. Well…alam ko naman na di siya maging masaya kung naging kami or maging kami kasi iba yung nasa puso niya, di ko naman kakayanin na masaya ako pero kinukulong ko ang puso niya sa pagka selfish ko.

Umalis siya ng bansa, that was May 15 pero tumawag siya sa akin nung nasa airport pa lang siya at dun ko di na napigilan yung emosyon ko sinabi ko sa kanya yung buong nararamdaman ko, bumuhos yung luha at hinagpi sa mga mata ko pero huli na ang lahat kailangan na rin niyang umalis para sa sarili niya, sa pamilya niya at sa minamahal niya. Di ako nagsisi na minahal ko siya, di man niya ako minahal tulad ng ineexpect ko atleast nararamdaman ko na minsan may best friend na pwede ko masandalan sa oras ng pangangailangan.

debtLeviticus 25:35-37 ESV

“If your brother becomes poor and cannot maintain himself with you, you shall support him as though he were a stranger and a sojourner, and he shall live with you. Take no interest from him or profit, but fear your God, that your brother may live beside you. You shall not lend him your money at interest, nor give him your food for profit.

Sino ba ang may gusto na may utang!? Yung tipong nilalait ka ng nagpautang sayo dahil sa hindi ka makapagbayad!? Siguro kahit isa sa atin ayaw mangutang para lang laitin ng inuutangan natin. There are so many reasons bakit nangungutang ang isang tao pero isa sa mga pinakarason ay dahil wala itong kakayanan na makapagbayad ng buo para makuha ang isang bagay, tulad ng pagkain, gamit at iba pa.

Isa lang ako sa karamihan ng tao na nagkaroon din ng utang, medyo marami rami na rin yung utang ko dahil sa isang maling desisyon na nagawa ko at mga bagay na di ko inaasahan na mangyari sa buhay ko. Mga bagay na di ko akalain na mangyari ng madalian. Nawalan ako ng trabaho at sa di inaasahang pagkakataon wala akong ipon at hindi handa na mawalan ng trabaho.

Nangutang ako sa isang matalik na kaibigan at dahil nga sa turingan namin na parang magkapatid pinautang niya ako, isang bagay na akala ko importante sa buhay ko. May tiwala siya sa akin kaya madali ko nakuha yung gusto ko. Gamit ang credit card niya nakuha ang inaasahan ko na gamit. Isang malaking bagay para sa akin na may taong handang e risk yung credit card niya para sa akin. Isang kaibigan na di tumitingin na maaring madamay siya kung sakaling di ako makapagbayad. Maganda ang naging simula, maayos na naman ang pagbayad ko.

After a few months medyo, tumatagilid na ako. May mga problema na di ko inaasahan na dumating sa opisina, I lost my job! Pinilit ko na makabayad sa lahat ng mga inutangan ko but sad to say na di na kinaya ng powers ko ang magbayad pa. Natakot ako na di ko mabayaran ang utang ko sa kaibigan ko, I don’t want to ruin my name sa kanya, kahit kaibigan ko pa siya dapat pa rin akong magbayad sa kanya at yung ang nararapat. Pero dahil nga siguro sa mga pagkakataon na di inaasahan, talagang di na ako makapagbayad. Dahil nga kaibigan ang turingan, pinilit niya akong inintindi dahil walang wala talaga ako. At idagdag pa ang mga pagkakataon na kailangan kong maospital ng ilang beses kaya naubos lahat ng may meron ako. Palagi na akong sinisingil ng kaibigan ko pero sa kasamaang palad wala na akong mapagkunan ng pambayad sa kanya. Sinaktan ko ang kaibigan ko, binabalewala, di sinasagot mga texts niya at tawag niya. Siguro sobrang nahiya lang ako dahil wala na talaga akong maibibigay hanggang sa dumating sa punto na minumura na niya ako, napagsabihan na niya ako ng mga masamang salita pero ano ba magagawa ko, eh wala akong may maibayad sa kanya. May mga pagkakataon na di na siya naniniwala sa akin dahil sa palagi akong nangangako sa kanya pero di ko magagawa yung mga pinangako ko! Alam ko na sobrang laki ng pagkakamali ko. Di ako perpektong tao, minsan nasasabit din yung mga pinangako ko! Kung may mapagkunan lang sana ako na pwede ko pambayad sa kanya kaso lang sa ngayon wala talaga. Tinatanggap ko na lang lahat ng mga mura niya, wala naman akong choice eh.

Kung may pagkakataon tayong iwasan ang mangutang, gawin na natin. I have learned so many things from my mistake. I am not just losing my pride but my friend as well. I love my friend. Nahihiya na ako sa mga pagkakataong kailangan niya yung pera pero wala akong magawa, wala akong may maibigay, kung sakaling meron lang din sana akong mapagkunan na pambayad sa kanya. Wala akong sama ng loob at wala akong regrets sa mga nangyari sa buhay ko dahil naging matatag ako sa pagharap ng problemang ito.

Deep inside of me, alam ko na mga pagsubok lamang to ni Lord sa akin. I know, I’ll become stronger because of this mistake. I know that He is just molding me to become a better person when it comes to money matter, when it comes to lending money.

As a piece of advice, kung may plano kang mangutang, isipin mo muna kung kakayanin mo ba ang magbayad nito, kung sakaling wala kang maaasahan na pang bayad WAG KA NG SUMUBOK MANGUTANG! 🙂

Coming Home!

Posted: January 23, 2013 in Personal
Tags: ,

coming-home

Jeremiah 29:11-12 ESV For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope. Then you will call upon me and come and pray to me, and I will hear you.  

I have been away from home for almost half of my life. Enjoying what life could give. I meet a lot of people who create memories that I will treasure for a lifetime. Some hurt me…some love me…some became my enemies but almost of them were my friends. I am what I am right now because of these people who came in into my life. To all of you my sincerest thank you!

To all my Asia Century Multi Advertising Inc. friends, you become my instant family and I will never ever forget you.

To my Cinegang Entertainment Productions family…I will never forget those sleepless nights just to finish the project. I can’t forget those running out of budget moments, those shouting every take, those unforgettable and awkward shots…thank you for allowing me to experience the slice of showbiz life.

To my Webix Business Solutions friends…I feel like I am the rose among thorns. Those naughty and nasty moments of our live that’s hard to forget.

To Webix Business Solutions Inc. family, you are a great part of who I am right now. Every single employee will pass through me and every one leaves a mark in my heart!

CleverBuy family and friends…what could I say? The never ending laughter…the never ending eating…the never ending chatting…the never ending tsismis…the never ending pressure of work…the never ending work…and the never ending friendship among employees, the kindness from each one of you, the kindness that I can’t pay and the never ending understanding from all of you. The word thank you is not enough how grateful I am to have you once in my life. I am just praying to see you again.

To my Victory Makati brothers and sisters, I don’t know what salvation is all about without you. May our good Lord will bless you always.

To my Victory Alabang brothers, I have a heavy heart coz I’m leaving you but I will never forget you coz I never keep you in my mind but instead I created a special place for each one of you in my heart. Thank you!

To my family and friends who never give up for me, you were my strength the time I fall. You were my eyes when I was in darkness. You were my ears when I was deaf. You let me sing a song when silence reigns in me.

My Lord Jesus…you are the commanding King, you are my Lord, you reign God, your will be done into my life. I admit that coming home is not easy for me; I know I’ll be facing a lot of difficulties and hardships but I am not afraid and I am not shaken coz you are there for me. I am holding on to your promises and I am holding on to your love. Your purpose of creating me will give the significance of my life. Your purpose will complete me of who I am to you.  Thank you and I am praying that in my search for my essence it will glorify you, Father God!

>