Posts Tagged ‘best friend’

Most of us may tinatawag tayong “BFF” or simply best friend or best friends and most of us nakakarelate tayo dun sa minsan humanga tayo or na in love tayo sa best friend natin. Just like any ordinary guy at saka normal na tao minsan na rin akong humanga at humantong sa pagka inlove sa sariling kong best friend. When I saw this video sabi ko ang corny naman nito ginawan ng animation yung song pero nung malapit na mag end yung song I realized na nakasmile na pala ako simply because the animation tells about my story, my own story and my best friend.

Nakilala ko yung best friend na yun nung pumasok siya sa office namin as programmer slash web designer slash naging tutor ko sa photoshop. Ang daming job description niya, kasi siya yung tipo ng tao na ayaw paawat sa trabaho. Ilang months palang at medyo napalagay na ang loob ko sa kanya, am sure medyo corny para sa ibang tao yung ilang buwan pa lang pero you are claiming na best friends na kayo but I think naging totoong tao kapag kasama ko siya. Siguro nga we’re destined to become friends. Walang araw na di kami magkasama during lunch and even during dinner. Pagkalabas ng office naghahanap pa kami ng makainan, nakikipag inuman. Most of the time McDo na lang kami tapos tig iisang quarter pounder at large na pineapple juice yung tinitira namin. Siguro kulang na lang yung words na kami na. Very supportive siya sa akin, even during may board exam andun siya para sa akin, sinamahan niya ako hanggang matapos yung exam. Siguro nga andun yung kilig factor, yung kilig much na tinatawag nila.

There was a time na nagkasakit siya at since wala naman siyang ibang kamag anak, ako yung tumayong caregiver niya. Masaya ako kasi nga kahit sa maliit na bagay na nagawa ko, I know na masaya rin siya sa pinaggagawa ko. Pero alam mo yung tipong may konting pagnanasa ka sa kanya habang inaalagaan mo siya!? Alam ko mali yun, best friend ko yun eh kaso lang minsan di napipigilan ang damdamin. Patuloy pa rin ang buhay hanggang sa may bago kaming empleyado na kakapasok lang sa office namin…yun na yung simula ng paghihinagpis ko!

Naging close sila ng ga bagong empleyado, dun na siya sumasama sa kanila, minsan di na kami sabay kumain, minsan na lang siya nagtetext, nawala na yung friendly date every sunday, yung lumalabas kami every sunday para magsimba, tapos manood ng sine tapos kain lang sa labas, yung time na kami lang. Ngayon may kahati na ako sa oras niya…di naman siya totally nawala sa akin pero yun lang may bawas na yung oras ng pag sasama namin. Ang hirap ng ganun sitwasyon kasi nakikita ko na masaya siya na kasama niya yung bago naming empleyado…sino ba naman ako para pagbawalan siya eh kaibigan lang ako!? Haaays buhay nga naman…masakit pero kailangan ko tanggapin na magkaibigan lang kami at dun ko naitanong sa sarili ko kung sino ba siya para sa akin at ano ang papel niya sa buhay ko and I realized that I am falling with my best friend, to a best friend na di nag iisip ng kakaiba para sa akin. Oo na nasaktan na ako…umiiyak…naging OA ako…umiinom ng sobra kahit di naman ako umiinom…nag yoyosi kahit di marunong…super feeler ang peg. Ganun nga siguro nakakabaliw pag na inlove ka sad to say dun pa sa taong tinuring mo na best friend na mas masaya pag kasama niya yung iba, I mean yung kasamahan namin sa office!

One day, paglabas namin sa office tinawag niya ako…sabi niya “Uy kain naman tayo…namimiss na kita ah, ang tagal mo na di nagpaparamdam ah, galit ka ba!?” Ang sarap sampalin ng pagmumukha niya…until now di pa rin pala niya nararamdaman na mahal ko siya, na sobra ko siyang namiss, na halos araw araw akong naghihintay sa kanya. I can’t explain dun sa nararamdaman ko that time…in short waley talaga. Ako naman itong martyr lang ang peg hala ayun sinamahan ko siya, kumain kami sa labas, nagkwentuhan at nag uusap tungkol sa mga palno niya sa buhay. At dun sinabi niya na aalis na daw siya, pupunta siya ng abroad para sundan yung tunay niyang minamahal dahil nasaktan daw siya ng sobra dun sa kasamahan namin sa office! Gumuho ang mundo ko kasi umiiyak ako sa taong umiiyak sa ibang tao…fair ba yun!? Nasaktan daw siya ng sobra kaya aalis na lang siya. Kung alam niya lang na sobrang sakit ng nararamdaman ko, feeling ko di na gumagalaw yung puso ko…di ko na nararamdaman yung mga kamay ta paa ko, feeling ko naghihiwalay na ang buo kong katawan. Ganun pala ang feeling nuh!? Bat ba kasi sumama pa ako sa kanya tapos yun lang ang maririnig ko. Well…alam ko naman na di siya maging masaya kung naging kami or maging kami kasi iba yung nasa puso niya, di ko naman kakayanin na masaya ako pero kinukulong ko ang puso niya sa pagka selfish ko.

Umalis siya ng bansa, that was May 15 pero tumawag siya sa akin nung nasa airport pa lang siya at dun ko di na napigilan yung emosyon ko sinabi ko sa kanya yung buong nararamdaman ko, bumuhos yung luha at hinagpi sa mga mata ko pero huli na ang lahat kailangan na rin niyang umalis para sa sarili niya, sa pamilya niya at sa minamahal niya. Di ako nagsisi na minahal ko siya, di man niya ako minahal tulad ng ineexpect ko atleast nararamdaman ko na minsan may best friend na pwede ko masandalan sa oras ng pangangailangan.

It’s been a while since the last post I have in here and it’s almost three years since the last time I talk about my love life. It’s quiet interesting that there are lot us who can relate to my story, actually it’s just an ordinary love story but it’s my real story falling in love with a friend but sad to say I fall in love for the person whom can never be mine.

For the past three years, I have moved on and I can even laugh to myself for what I did for that someone I love most. Our love story ends up…I mean my love story because it’s my one great love, it’s mine not ours. I even forgot myself for the sake of that someone but sad to say it ends up that am still single but HAPPY. Talking about happiness, yes I am happy with my life right now and I guess I am fallen again to a friend! Oops! I knew it, you are raising your eye brow right now while reading my post. Yes, you read it right. I might in love again to a friend. I am wondering why there’s such a feeling like this and why to a friend again!!?? As much as I don’t want to fall in love but I can’t help myself. This would be another problem with me and am sure about it, it’s gonna be a dramatic moment with me.

 

For three years I keep telling myself “You should not fall in love” “You should not fall in love” “you should not fall in love!” but there are times that my mind is telling me that I am right. I should try to fall in love again. Yes, this is it but am not yet ready to fall in love again. I don’t think this person is the right one because of some reasons; committed, just a friend (as what my heart says), super in love with other person (absolutely not me) but I can’t rid this person out of my mind and I just don’t want to experience the pain again. Why I am afraid of love?